Popular Posts

Friday, May 27, 2011

LIBRENG SABAW ( FREE SOUP )

Ako yung tipo ng tao na kapag kumakain sa karendirya ay humihingi ng libreng sabaw, pero di ko naman ugali ung hihingi ng sabaw,bili ng kanin at presto may tanghalian na. Bakit nga ba anhilig natin sa LIBRENG SABAW?  
Minsan nga may take two pa sa paghingi ng sabaw,minsan take three. Samantalahin habang libre kahit hindi naman masarap ang sabaw di ba?


Madalas gawa lang sa pampalasang ma-vetsin ang sabaw. Swerte na kung makahanap ka ng kainan na may sabay na may lumulutang na sibuyas,kamatis o ano pa mang pwede lumutang maliban sa langaw. May mga sabaw din na mukhang pinagbabaran ng mejas na di inilaba ng tatlong lingo.

Magaling ang taong nagpakulo ng kainang may libreng sabaw, mas nagiging magana kumain ang mga kostumer nito. Nasasarapan, nabubusog, at nakukuntento dahil sa LIBRENG SABAW na bigay ng isang kainan.

No comments:

Post a Comment