Popular Posts

Monday, May 23, 2011

7 ELEVEN, IT'S ANYWHERE MEN!

Habang umiikot sa siyudad ang jeepney na sinasakyan ko, napansin ko na halos kada kanto at road junction na madaraanan ko ay may 7 ELEVEN na halos tatlong poste lang ang layo sa isa't isa. Whew! Sa amin pa nga lang, 7 branches na agad sa napakaliit na siyudad. Nakakalula ang dami nila, makikita mo sa Bus Station, harap ng paaralan, ospital, at kahit na rin mismong likuan ng express road. Pero malaki ang pasasalamat ng ating mga kababayan sa 7 ELEVEN,dito ka makakabili ng alak na 24 hours available at hindi ka na kakatok sa tindahan, meron ding condom, baraha, kape, at kung ano ano pa, kahit nga panty meron din eh. Pero ano ang 7 ELEVEN?

Ang 7 ELEVEN ay pag aari ng  Seven & I Holdings Co. ng Japan, pero ito ay nagsimula sa Dallas, Texas. Pinangunaan ito ng isang taong malawak ang pagiisip at nangangarap na yumaman sa ppagbebenta ng yelo at gatas noong 1927. Naiisip ko lang, kelan kaya pumasok sa isip ng mga namamahala ng 7 ELEVEN na magbenta ng condom at panty?


Karamihan sa branches ng 7 ELEVEN ay nasa Asya, di na nakakapag taka dahil mahilig sa yelo mga tao sa Asya. Pangunahing bentahin nila ang SLURPEE na di ko rin naiintindihan bakit may PEE sa pangalan, pwede naman ICE SLURP..db? 


Ang 7 ELEVEN ay madaling hanapin, kahit na di ka marunong magbasa at hindi mo pa alam itsura ng 7 ELEVEN. Basta nakakita ka ng bukas na parang Grocery Store ng mga alas-3 ng umaga at may mga nakaabang na Tricycle eh 7 ELEVEN na.
 SUBTITLE; ENGLISH: 01/03


See Wikipedia.org and search 7 Eleven. Thank You..

No comments:

Post a Comment