Matagal na ng ako ay nagulam ng TORTANG TALONG, at ngayon, gusto ko kumain nun..NOW NA!! Kung pagpipiliin mo ako sa sizzling porkchop ba o tortang talong, Syempre pipiliin ko si porkchop! Pero di matatawaran ang sarap ni TORTANG TALONG. Masarap, nakakabusog at higit sa lahat mura lang,sampong piso lang ang tortang talong sa karinderya.
Para sakin mahirap at di ganoon kasaya magluto ng tortang talong. Iihawin mo ang talong ng humigit kumulang sampong minuto, at kung maliit naman ang ihawan at di kaya pagsabayin ang 4 na talong, tiyak matatagalan ka. Pagkatapos ihawin ay babalatan ang talong na umuusok-usok pa, kung di ka propesyonal sa pagbalat, tiyak mapapaso ka. Isunod naman ang itlog, syempre babatihin mo. At dun mo na isasawsaw ang talong bago iprito. Painit ng kawali, lagay mantika, paginit mantika, lagay talong na nabalot ng itlog. Ipritong maigi. At presto! May TORTANG TALONG ka ng masarap kainin dahil pinagpaguran mo.
Ayon sa siyensya, nakakatulong raw ang talong sa mga HIGH BLOOD na tao. Kaya nga napakabalanse ang pagkain ng tortang talon eh, Meron din ito umanong NICOTINE na gaya sa yosi. KATUMBAS ng 9 na kilong talong ang isang stick ng sigarilyo. Siguro naman walang kakain ng 9 na kilong talong para lang pampalit sa isang pirasing yosi.
Kung ikaw ay nagtitipid at may oras namang magluto, TORTANG TALONG na lang, masarap na nga,masustansya, mura pa!
SUBTITLE; ENGLISH 01/03:
TORTANG TALONG or EGGEGGPLANT (egg+eggplant= EGGEGGPLANT) is a fried dish made of EGG and EGGPLANT. First, grill the eggplant for about 10 mins until it is pretty cooked, then remove its black annoying skin. Next is the egg, it is like you are going to cook an omelet, put the eggplant into your egg, have a pan with cooking oil, heat it and fry! That's it! See how easy ang cook the TORTANG TALONG, cheap,easy,delicious and...and..delicious.. That's all..